Retroactive na Tulong Pinansiyal
Mga Madalas na Itinatanong (mga FAQ)
Ang mga indibidwal na nakatanggap ng isa o higit pang mga bayaring medikal mula sa County of Santa Clara Health System na ipinadala sa koleksyon sa pagitan ng Oktubre 28, 2018 at Disyembre 31, 2021. Natukoy ng County ang lahat ng posibleng kwalipikadong indibidwal at padadalhan ang bawat isa sa kanila ng abiso na humihikayat sa kanilang mag-apply para sa programa, kasama ang kopya ng form ng aplikasyon.
Kung kukumpletuhin at isusumite ng nakatanggap ng abiso ang form ng aplikasyon at ang lahat ng kinakailangang pagpapatunay na dokumento sa itinakdang oras, ipapasya ng County kung kwalipikado sila para sa buo o bahagyang tulong pinansiyal.
Ang ganitong pagpapasya sa pagka-kwalipikado ay ibabatay sa kita at laki ng pamilya ng nakatanggap ng abiso, alinsunod sa mga pamantayang nakabase sa Antas ng Kahirapan ng Pederal na nakadepende naman sa panahon na ang (mga) bayarin ng nakatanggap ng abiso ay ipinadala sa koleksyon. Ang pagka-kwalipikado para sa diskwento sa mga bayaring medikal na ipinadala sa koleksyon sa pagitan ng Oktubre 28, 2018, at Hunyo 30, 2020, ay susuriin sa ilalim ng Pagpapasya sa Kakayahang Magbayad at kaugnay na mga patakaran ng County sa Programa ng Kawanggawang Pangangalaga at Programa ng Diskwento na umiiral sa panahong iyon. Ang pagka-kwalipikado para sa diskwento sa mga bayaring medikal na ipinadala sa koleksyon sa pagitan ng Hulyo 1, 2020, at Disyembre 31, 2021, ay susuriin sa ilalim ng Patakaran ng Programa sa Access sa Pangangalagang Pangkalusugan na umiiral sa panahong iyon.
Ang kita ay tumutukoy sa buong gross na kita ng pamilya ng nakatanggap ng abiso sa (mga) taon na ipinadala ang kanilang (mga) bayaring medikal sa koleksyon. Ang laki ng pamilya ay kinabibilangan ng nakatanggap ng abiso, ng kanyang asawa o kinakasama, at mga umaasang anak na wala pang 21 taong gulang, nakatira man sa bahay o hindi, sa (mga) taon na ipinadala ang (mga) bayaring medikal ng nakatanggap ng abiso sa mga koleksyon.
Panahon na Ipinadala ang (mga) Bayarin sa mga Koleksyon | Pinakamataas na Antas ng Kita upang Maging Kwalipikado para sa Buong Diskwento ng Bayarin, ayon sa Laki ng Pamilya | Pinakamataas na Antas ng Kita upang Maging Kwalipikado para sa Bahagyang Diskwento ng Bayarin, ayon sa Laki ng Pamilya |
---|---|---|
Oktubre 28, 2018 hanggang Hunyo 30, 2020 | 2018 (138% ng FPL) 1 Tao: $16,753 2 Tao: $22,715 3 Tao: $28,677 4 na Tao: $34,638
1 Tao: $17,236 2 Tao: $23,336 3 Tao: $29,435 4 na Tao: $35,535
1 Tao: $17,609 2 Tao: $23,791 3 Tao: $29,974 4 na Tao: $36,156 | 2018 (350% ng FPL) 1 Tao: $42,490 2 Tao: $57,610 3 Tao: $72,730 4 na Tao: $87,850
1 Tao: $43,715 2 Tao: $59,185 3 Tao: $74,655 4 na Tao: $90,125
1 Tao: $44,660 2 Tao: $60,340 3 Tao: $76,020 4 na Tao: $91,700 |
Hulyo 1, 2020 hanggang Disyembre 31, 2021 | 2020 (400% ng FPL) 1 Tao: $51,040 2 Tao: $68,960 3 Tao: $86,880 4 na Tao: $104,800
1 Tao: $51,520 2 Tao: $69,680 3 Tao: $87,840 4 na Tao: $106,000 | 2020 (650% ng FPL) 1 Tao: $82,940 2 Tao: $112,060 3 Tao: $141,180 4 na Tao: $170,300
1 Tao: $83,720 2 Tao: $113,230 3 Tao: $142,740 4 na Tao: $172,250 |
Ang mga halaga ng Antas ng Kahirapan ng Pederal para sa lahat ng taon at laki ng pamilya ay maaaring makita online sa: https://aspe.hhs.gov/topics/poverty-economic-mobility/poverty-guidelines/prior-hhs-poverty-guidelines-federal-register-references
Dapat magsumite ang mga aplikante ng katibayan ng buong gross na kita ng kanilang pamilya sa (mga) taon na ipinadala sa koleksyon ang kanilang (mga) bayarin para sa mga serbisyong medikal. Kabilang sa mga halimbawa ang mga tax return o pay stub.
Dapat magsumite ang mga aplikante ng katibayan ng kanilang pagkakakilanlan (kabilang ang kanilang larawan). Kasama sa mga halimbawa ang lisensiya sa pagmamaneho, pasaporte, iba pang ID na inisyu ng pamahalaan, o isang ID sa trabaho o paaralan.
Dapat magsumite ang mga aplikante ng katibayan ng kanilang paninirahan sa county para sa (mga) taon na ipinadala sa koleksyon ang kanilang (mga) bayarin para sa mga serbisyong medikal. Kabilang sa mga halimbawa ang kontrata ng renta, pag-upa, mortgage statement, utility bill, lisensiya sa pagmamaneno, o rehistro ng sasakyan.
Pakitandaan: Ang mga bahagyang diskwento para sa mga nakatanggap nng abiso na ang kanilang mga bayarin ay ipinadala sa koleksyon sa pagitan ng Hulyo 1, 2020, at Disyembre 31, 2021, at ang buong kita ng kanilang pamilya ay nasa pagitan ng 400% at 650% ng Antas ng Kahirapan ng Pederal, ay magagamit lamang ng mga residente ng Santa Clara County.
Dapat isumite ng mga aplikante ang lahat ng kinakailangang pansuportang dokumento sa County sa loob ng 215 araw ng petsa sa kanilang paunang abiso. Kokontakin ng County ang bawat aplikante na hindi magsusumite sa takdang oras ng lahat ng kinakailangang pansuportang dokumento sa telepono at sa sulat upang ipaalala sa kanila ang deadline. Kung hindi isusumite ng aplikante ang lahat ng kinakailangang pagpapatunay na dokumento sa takdang oras, mamarkahan ang aplikasyon bilang hindi kumpleto at hindi aaprubahan.
Oo. Kung hindi inaprubahan ang aplikasyon ng indibidwal para sa diskwento, o kung iniisip nilang dapat silang nakatanggap ng mas mataas na diskwento, maaari silang umapela sa pamamagitan ng pagkumpleto at pagsusumite ng Form ng Apela sa ibaba sa loob ng 30 araw ng pagtanggi o desisyon na hindi nila sinasang-ayunan. Pakitingnan ang Form ng Apela para sa karagdagang mga tagubilin.
Hindi. Ang mga indibidwal na nag-a-apply para sa at maipasyang kwalipikado para sa retroactive na tulong pinansiyal sa ilalim ng programang ito ay makakatanggap ng minsan-lamang na diskwento sa kanilang mga bayaring medikal mula sa County of Santa Clara Health System na ipinadala sa koleksyon sa pagitan ng Oktubre 28, 2018, at Disyembre 31, 2021.
Para sa libreng tulong sa pag-a-apply para sa coverage ng pangangalagang pangkalusugan at iba pang mga programa ng tulong pinansiyal, pakibisita ang webpage na ito o kontakin ang Departamento ng Access ng Pasyente ng CSCHS:
- sa telepono sa (866) 967-4677 (TTY: 711) (8am hanggang 4:30pm, Lunes hanggang Biyernes); o
- sa personal sa 770 S. Bascom Avenue, San José, CA 95128 (8am hanggang 4:30pm, Lunes hanggang Biyernes).