EnglishEspañolTiếng Việt中文
繁體中文فارسیਪੰਜਾਬੀ
Maaari kang maging kwalipikado para sa tulong sa pagbabayad ng iyong mga bayarin mula sa County of Santa Clara Health System (CSCHS). Ang aming Healthcare Access Program (HAP) ay nagbibigay ng libre o may diskwentong kinakailangang mga serbisyong medikal at suplay sa mga karapat-dapat na mga pasyente na (1) hindi insured o (2) mayroong insurance at mataas na out-of-pocket na gastusing medikal. Sasalain din ang mga aplikante para sa Medi-Cal, Medi-Cal presumptive eligibility, Covered California, at iba pang mga pampublikong programa sa pangangalagang pangkalusugan.
Ang isang pasyente ay maaaring maging karapat-dapat para sa HAP kung sila ay mayroong kabuuang kita ng pamilya na mababa sa 650% ng Federal Poverty Line (FPL) AT naaangkop sa isa sa mga sumusunod na kategorya:
- Ang pasyente ay walang health insurance (o iba pang mapagkukunan ng pambayad para sa mga kinakailangang serbisyong medikal o suplay); O
- Ang pasyente ay mayroong insurance ngunit nagkaroon ng taunang out-of-pocket na gastos sa CSCHS na mas mataas sa 10% ng kasalukuyang kita ng pamilya o kita ng pamilya ng pasyente sa nakalipas na 12 buwan, alinman ang mas mababa; O
- Ang pasyente ay mayroong insurance pangkalusugan ngunit sila at/o kanilang kapamilya ay nagbayad ng taunang out-of-pocket na gastusing medikal na mas mataas kaysa sa 10% ng pampamilyang kita ng pasyente.
Ang isang pasyente na nakakatugon sa isa sa mga kategorya sa itaas na ang pampamilyang kita ay nasa o mababa sa 400% ng FPL ay karapat-dapat para sa 100% diskwento sa mga kinakailangang serbisyong medikal o suplay. Ang isang pasyente na isang residente ng Santa Clara County at ang pampamilyang kita ay mataas sa 400% ngunit mababa sa 450%, 550%, o 650% ng FPL ay karapat-dapat para sa mga diskwento na 70%, 50%, o 25%, ayon sa pagkakabanggit.
*Tandaan: Mangyaring tignan din ang tsart na ito para sa impormasyon ng pagiging karapat-dapat para sa health coverage. Ang mga tsart na ito ay ibinibigay para lamang sa layuning magbigay-alam. Ang mga pasyente na mayroong kita nang hanggang 138% ng FPL ay maaaring karapat-dapat para sa Medi-Cal. Kung hindi karapat-dapat para sa Medi-Cal, ang mga pasyente ay maaaring mag-kwalipika para sa isang Covered California health plan na mayroong tulong pinansyal. |
Upang matutunan kung paano mag-apply para sa HAP, mangyaring tignan muli ang paunang sabi at mga dokumentong pampatakaran sa ibaba. Upang makakuha ng karagdagang impormasyon at libreng tulong sa pag-apply para sa tulong pinansyal at healthcare coverage, mangyaring kontakin ang CSCHS Patient Access Department.
- sa pamamagitan ng telepono sa (866) 967-4677 (TTY: 711) (8am hanggang 5pm, Lunes hanggang Biyernes); o
- sa personal sa 770 S. Bascom Avenue, San Jose, CA 95128 (8am hanggang 4:30pm, Lunes hanggang Biyernes).